top of page
Search
Writer's pictureVince del Rama

BAHALA NA: Umihip Ang Oras, Kumanta Ang Puso't Sumayaw Ang Lapis

Madalas mang sa oras ay kapos; Madalas mang hindi ko masabi ng maayos; Di ko man maipahayag ng husto, Sana'y malaman mong - mahal kang totoo. Madalas mang pangunahan ng takot; Madalas mang kainin ng lungkot; At hindi ko man maipabatid, Sa puso ko'y ikaw lang ang pinipintig. Madalas mang bumulong lang sa hangin; Madalas mang idaan na lang sa panalangin; Hindi ko man magawang ipakita sayo, Alam mong ikaw ang dasal nitong puso ko. Madalas mang hindi alam ang gagawin; Madalas mang malabo ang ibig sabihin; Hindi man maipaliwanag kahit ulit-ulitin pa, Hihiling na lang sa Diyos, at Siya'y bahala na.



13 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page