top of page
Search

BALIK-TANAW SA BALANG ARAW

August 18, 2020 at 5:00 PM

ang dating marilag at mapusyaw na araw natin ay biglang binalot ng malamig na kulimlim; wala man lang paalam o kahit pasabi, bumuhos ang ulan sabay sa luhang hinawi.


biglang lumisan ka, naghanap ng silong naiwan ako sa ulan at mag-isang sumuong; ang nginig at lamig ay pinilit na labanan umasa sa payong na pangakong iniwan.


nilupig ang bawat butil hanggang huling patak nakauwi nalang, ala-ala mo parin ang hawak. ngunit sa lungkot lumiwanag ang mga tinatanaw nang magtakipsilim na ay wala paring ikaw.


lumubog na ang araw sa pag-ibig mong sambit pilitin mang ngumiti ay gumuguhit ang sakit; sa gabing madilim ang puso ay pilit ikukubli, at baka bukas pagpintig, kapiling na muli.

photo credit: Greg Sabejon


 
 
 

Comments


blacklanxer@gmail.com

+63 955 4193 769

To God Be The Glory


©2020 by Pluma de Makata. created with Wix.com

bottom of page