top of page
Search
Writer's pictureVince del Rama

MAGDAMAG

Magdamag nakikipaghabulan Sa tumatakbo kong isipan. Mga daliri’y pumapadyak Na pinipilit ang pagsabay. Sa magulo at maingay Nitong patuloy na pag-indak. Naghahanap ng kasagutan Sa mga tanong na ‘di maituran.

Magdamag nang binubuno Ang di masupil na puso. Sa tinta’y pinapadaloy Ang hinagpis at mga sakit; Sa bawat ukit ng bakit Ay suntok ng panaghoy. Dasal ang luhang tumutulo Sa matang namikit na sa mugto.

Magdamag mang madilim ang lakarin Tiwala’y Sa’yo lang at Sa’yo parin. Papuri sa ngiti at hinagpis Ay biyaya Mong ngang tunay. At sapagkat hawak Mo itong buhay Sa pagmamahal Mong labis, Hindi matitinag ang ‘Yong hangarin Tangayin man ang pintig ko ng hangin.

Magdamag at habang buhay na Sa’yo ay mananalig. Dahil walang hanggan ang wagas Mong pag-ibig.



1 view0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page