PAGGILIW NA SINULAT NG HANGIN AT ULAN
- Vince del Rama
- May 28, 2020
- 1 min read
Bakit pa maghahangad na tumila ang ulan
Kung habang pumapatak ito, kasama ka naman?
Bakit pa hihingiing tumigil ang hangin
Kung sa bawat ihip nito ay ikaw ang kapiling?
Bakit pa tatapusin ang mapanglaw na araw
Kung sa pagpatak ng oras kausap ay ikaw?
Bakit pa puputulin ang matamlay na sandali
Kung ang nakikita'y matamis mong ngiti?
Subalit ang oras ay hindi ko alipin
Gaano man kalambing ay kailangang palayain.
Walang magagawa kundi ang sumambit
Ng isang panalanging tahimik at impit.
Tumila man ang ulan, at mapawi ang hangin
Nawa'y itong gunita'y iukit sa damdamin.
Nang hanggang sa 'ting pagkikitang muli
Ay taglay mo parin ang maamo mong ngiti.
At bago pa itong tula sa pag-ihip ay huminto,
Minamahal kita - nawa'y masambit ng puso.
Asahang ako'y sayo iibig at maghihintay
Hanggang sa huling patak ng taglay kong buhay.

Comments