PANAGHOY, PANATA, PANITIK
- Vince del Rama
- May 28, 2020
- 1 min read
palagi na lamang nagsisimula
hindi naman matapus-tapos;
baluktot na ang dila sa kakatula
at pagpilit na salita'y umagos.
pudpod na ang lapis; ubos na ang tinta;
at pagod na ang kamay sa kakasulat.
hindi parin mahanap ang tamang salita -
ang diwa ay lalo lamang kumakalat.
ako'y inuunahan ng aking pangamba
na baka panitik ko'y 'di na naman matanggap;
wala nang lakas na umasa sa panata,
ni hindi na kaya kahit ang magpanggap.
mabuti pa yata panitik ay tapusin nalang;
bago tuluyang sa wisyo'y kumawala.
patawad kung ikaw ay naguguluhan,
haggang dito lang ang kayang isatula.

Comments