top of page
Search
Writer's pictureVince del Rama

TAKIPSILIM

Updated: Jul 24, 2020

June 15, 2020 at 1:43 AM

bakit tila madilim ang langit?

parating na ba ang ulan?

naririning ba ang kampanang umaawit?

sisikat na ba ang buwan?

nararamdaman mo ba ang ginaw?

naririnig ba ang bulong ng hangin?

malabo na ba ang malinaw?

masasagot na ba ang dalangin?

itutuloy pa ba ang mga tanong?

o nahanap na ang kasagutan?

may hakbang pa bang pasulong?

o ang tuldok ay kalungkutan?

dumidilim na ba ang langit?

ito na ba ang pagwawakas?

masasagot pa ba ang bakit?

o kahapon na ang huling bukas?

pwede bang saglit na maupo?

at makasama ka sandali?

alam mo ba kung saan patungo?

o baka ikaw ay nagkakamali?

alam mo ba kung kailan titigil?

kaya mo bang dugtungan?

meron bang makakapigil

sa puntong katapusan?


kailan ka pa sisipat sa wakas?

kailan ba papansinin?

kapag wala na ang lakas?

o wala na'ng pagtingin?

dumidilim na ang langit.

Photo Credit: @Hadassah Abella



39 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page