top of page
Search
Writer's pictureVince del Rama

MAKAKATULOG DIN AKO

Updated: Jul 26, 2020

Hindi ko batid ang haba ng araw na ito,

Kaya't maghihintay na lang at kakapit Sa'yo.

Nakakapagod man at nakakalito,

Walang magagawa sadya lang ganito.


Bakit nga ba ang oras ay tila kay bagal?

Gaano pa nga ba ang dapat itagal?

Pagod narin tila sa kakadaldal;

Kaya't uupo na muna at Sayo'y sasandal.


Tatahimik ako nang awit Mo'y madinig;

Hanggang mga mata'y kusa nang pumikit.

Ang pagtulog naman ay hindi dapat ipilit,

May oras ang lahat ng bagay sa daigdig.


Ngingiti na muna, hihinga ng malalim,

At susulitin ang oras habang ako'y gising.

Pasasaan nga ba't sadya ring darating

Ang panahong ako'y makakatulog din.


Panalangin ang sasambitin sa huli

Sa pagtulog man o paggising muli.

Hihimlay ng walang pag-aatubili;

Takda Mo ang araw mahaba man o maikli.


Hindi wakas ng bangungot ang isang panaginip.

Kaya sa bawat araw, hindi dapat mainip;

Sa itim na langit araw din ay sisilip.

Kaya't pumintig ka hanggang sa maidlip.



6 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page